Wednesday, September 14

If I could write like this

I would quit my job!

habang ikaw ay natutulog
ako naman ay nagising
at naupo sa may bintana
at nakisama sa'yong paghimbing
sarap mong lambingin
lalo na't madilim-dilim
habang ikaw ay natutulog

inaantok pa ang umaga
ayaw bumangon tinatamad
ikaw naman ay nananaginip
sa mga ulap ay lumilipadlipad
saang langit napadpad
nais kong sumabay
habang ika'y natutulog

kaibigan, kasama,
kahati't kabiyak
sa luha't halakhak
kapiling, kasiping,
umaga na, mahal,
sa silid ng pag-ibig ko
tahanan, silungan,
supling at kapatid
kaakbay at kaakay
karamay sa buhay
umaga na, mahal,
sa silid ng pag-ibig ko

joey ayala

one of the greatest songwriters of all time! Wouldn't be a gas if he could sing this at my wedding? hahahaha!

(
special thanks to ging & her blog from where i pinched the lyrics :))

No comments: