Thursday, March 17

It's not you...

Nake-KSP ako. I won't pretend anymore. When asked what was weighing me down, I couldn't put my finger on it, but now that i've had time to think about it, alamko na kung ano: nake-KSP ako. Nake-KSP ako kasi maraming nangyayari ngayon. Parang ayan nanaman, feeling ko napagi-iwanan ako. Parang mas maraming nangyayari para sa kanya na mas-exciting kaya mas happy siya doon. Parang dun nabubuhos yung energy niya, at wala nang natitira para sa kin.

May bagong furniture, bagong washing machine. Bagong bahay na automatic ang pagbukas at sara ng gate, may iwawagayway ka lang na puting card na plastic. May bagong plato't baso na made in Italy pa, pati na rin ref na may waterdispenser sa harap. May bagong office, may mga bagong taong mas napagtutuunan ng pansin, maraming plano parabagong departamento. Maraming dapat asikasuhin. Minsan di na ako kasama dun. Ewan kung nakakaligtaan. O talagang sinasantabi.



Naiintindihan ko naman eh. Iniintindi. Marami pa rin naman akong kelangang asikasuhin rin naman. Sabi nila, yung ginagawa ko may kapalit na swerte at ginhawa sa magiging buhay ko. Sana nga. Minsan kasi nakakalimot ako ng ganungmga salawikain. Minsan ang nakikita ko na lang yung alikabok na kumakapal sa bookshelf ko na hindi malinis-linis dahil sa dami ng ginagawa, o dili kaya'y wala nang taong maglilinis kasi di naman kasama sa TOR niya yun for the day. Saka wala na kasing pambayad. Minsan nararamdaman ko na lang yung kawalan. Tapos nakikita ko sila na nagsisikap na hanapan ng katatawanan ang mga nangyayari. Ok naman yon. Actually ok nga yon. Pero minsan nalulungkot ako. Ewan ko kung masyado lang akong OA or emotional or ino-over analyse ko nanaman ang mga bagay-bagay. Baka naman ok lang naman sila. Baka naman wala naman akong dapat alalahanin. Pero naiisip ko pa rin yung nangyayari ngayon. Tapos inaalala ko naman kung anong mangyayari bukas.

Bukas one more day closer ako to February 18 2006. Kasama din yun sa mga iniisip. Magagawa ko ba ang lahat ng plano ko? Makakapag-sarili kaya ako bago ako ikasal? Matatanggap kaya siya sa scholarship niya (parang isang malaking OO ang sagot dun eh)? Paano na ako? Hanep sa self-pity no? Nake-KSP kasi inaalala ang sarili at ang mga pangarap. Kasi naman, sino na lang ba kakampi ko? Di ba ako rin lang? Sarili ko lang? Nakakalungot nga kasi nake-KSP akong mag-isa.

*malalim na buntong-hininga* Baka ako lang 'to. Ako nga lang 'to. It's not PMS--kakatapos ko lang. Ako lang 'to. Kelangan ko lang rin sigurong pagbigyan ang sarili ko. Feeling deprived kasi eh. Baka pagnapagbigyan, ok na ulet.

Sana nga maging ok na ulet.

1 comment:

haiku said...

Hang in there, girl. There are bound to be days like these.